Yung mga relasyong sobrang tagal na, tapos nagkahiwalay pa
Ang sakit siguro nun, no? Hindi ko pa siya na fi-feel, pero feeling ko sobrang sakit nun. Ang tagal niyong magkasama, ang tagal niyong nagmahalan, at ang tagal nun na umikot yung mundo niyo sa isa’t-isa, ang daming sacrifices, ilang beses kang nagbigay at nasaktan, pero mauuwi lang pala ang lahat sa hiwalayan. Yung ilang taon kayong masaya, lahat yun mapapalitan ng luha. Ang dami mong expectations e, syempre, hindi mawawala sa isip mo na “Baka nga kayo na” kasi nga, ang tagal niyo ng magkarelasyon, kaya naiisip mo na baka nga kayo na talaga ang para sa isa’t-isa, kayo na yung magkasaman haharap sa altar, at magbubuo ng pamilya, pero hindi pala, sobrang sakit nun. Bumuo kayong magkasama ng pangarap, pero mawawala nalang lahat ng mga yun, kasi nagkahiwalay na kayo. </3
Yung kaibigan mo, sila na nung taong mahal mo. Ang sakit, no? SOBRA. Lalo na kung bestfriend mo pa. Tae, tagos yan. Yung mararamdaman mo? DOBLENG SAKIT, DOBLENG SELOS, DOBLENG HIRAP, Yung iyak mo, DODOBLE rin. Pano naman kasi ang hirap lang maisip na sa dinamidami ng pwede maging boy/girlfriend ng mahal mo, bakit yung kaibigan mo pa? Malaman mo nga lang na crush pala ng crush mo yung kaibigan mo, hirap ka na tanggapin, yan pa kaya?
Alam mo yung mas masakit? Pag nag ku-kwentuhan kayong magkakaibigan tungkol sa lovelife niyo, yung kaibigan mong syota nang mahal mo, nag ku-kwento na siya ng tungkol sakanilang dalawa, kung gano nila kamahal ang isa’t-isa, kung gaano ba sila kasaya, kung gano sila ka-sweet. Ikaw, wala, kunwari kinikilig ka nalang, at masaya para sakanila, PERO ANG SAKIT NA PALA
</3 hirap no?
Basta ang alam ko gwapo sila.
HAHAH. <3
Lalo na si Lee Minho. O’well, wala na akong ma-post. HAHA!
Mag-HI nalang kayo sa mga crush ko. xD
Y SO GWAPO? I NEED THIS. KAILANGAN KO TO SA BLOG KO!!!






